Bronze medalist sa Paralympics, binigyan ng insentibo
November 1, 2000 | 12:00am
Inaprobahan na ng Philippine Sports Commission kahapon ang nakalaang P200,000 proposal na budget para ipagkaloob kay Adeline Dumapong na nanalo ng bronze medal sa nakaraang Olympics para sa mga physically handicap sa Sydney, Australia.
Tumapos ang polio striken na si Dumapong ng ikatlong puwesto sa 74.6 kgs., category ng power lifting event at siya ay nakatakdang dumating ngayong araw sakay ng Philippine Air Lines mula sa Sydney, Australia at personal na sasalubungin ni PSC chairman Carlos Tuason sa Ninoy Aquino International Airport.
Ang pagwawagi ng medalya para sa 26-gulang at 410 na si Dumapong mula sa Mabalot Poblacion, Kiangan, Ifugao ay tradisyon na sa kanya kung saan tumapos ito ng unang puwesto sa 1997 at 1998 APPLAND National competition, pumangalawa sa Asian championships sa Thailand noong 1999 at unang puwesto naman sa international Powerlifting qualifier sa Florida, U.S.A. nitong kaagahan ng taong kasalukuyan at humakot rin ng ginto sa 2000 Paralympiad sa Malaysia bago niya nasungkit ang kanyang bronze sa Sydney.
"We are very proud of her. At least, naitaas ang ating Flag sa Sydney, Olympics," wika ni Tuason." She is a very good example to others which proved that even a handicap person can bring honor to the country," dagdag pa niya.
Sinabi ni Dumapong nang siya ay bata pa, pangarap niyang magsilbi sa bansa bilang atleta at ito ay ibig alin man sa volleyball o softball player, ngunit dahil sa kanyang diperensiya, nagdesisyon ito na sumubok sa power-lifting at sinuwerte naman.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am