Subalit walang magagawang anumang paraan ang manager ni Peñalosa na si Rudy Salud.
Tumanggi si Salud na dalhin ang patties at tomato cans para kay Peñalosa. At ito ang kanyang policy. Kung hangad ni Peñalosa ng panibagong WBC crown, kailangan niya itong makuha kahit sa mahirap na paraan.
At dahil sa isang panalo na lamang ang kailangan ni Peñalosa para sa panibagong title fight, hindi niya papayagan na siya ay matalo kay Ratanachai sa kanilang nakatakdang 12-round bout sa Casino Filipino Amphitheater sa Parañaque sa Nov. 25.
At kung sakaling manalo si Peñalosa, kanyang haharapin ang mananalo sa WBC 115-pound title bout sa pagitan ng defending champion Masamori Tokuyama at Akihiko Nago sa Osaka sa Dec. 11. Ang mandatory defense ay nakatakda sa kaagahan ng papasok na taon at dahil si Peñalosa ang siyang No. 1 contender, siya ang susunod na nakalinya para sa titulo na minsay hinawakan niya.
Si Ratanachai, isang 29-anyos ay may impresibong ring record na 38-4 na ang 27 dito ay pawang mga knockouts. Siya ay naging pro noong 1992, tatlong taon makaraan ang debut ni Peñalosa at marami na rin siyang Filipinong naging biktima. Ito ay kinabibilangan nina Marlon Carillo, Marcial Peliciano, Edgar Maghanoy, Joeboy Gaabon, Leo Ramirez, Henry Limpin, Aljon Corporal, Joel Juinio at Benjie Concepcion na pawang mga nakatikim ng KOs sa Thai pug.
Kailanman ay hindi pa natatalo ang Thais sa kanyang mga kalabang Filipino at ang tanging kabiguang kanyang natikman ay mula sa kanyang kababatang sina Khonphayak Chareon, Abdi Pohan, Rikcy Matulessi at Marc (Too Sharp) Johnson.