^

PSN Palaro

Peñalosa nahaharap sa mabigat na kalabang Thai

-
Nahaharap sa mabigat na hamon ang World Boxing Council (WBC) International superflyweight champion Gerry Peñalosa kontra sa mabigat na kalabang Thai challenger Ratanachai Sor Vorapin.

Subalit walang magagawang anumang paraan ang manager ni Peñalosa na si Rudy Salud.

Tumanggi si Salud na dalhin ang patties at tomato cans para kay Peñalosa. At ito ang kanyang policy. Kung hangad ni Peñalosa ng panibagong WBC crown, kailangan niya itong makuha kahit sa mahirap na paraan.

At dahil sa isang panalo na lamang ang kailangan ni Peñalosa para sa panibagong title fight, hindi niya papayagan na siya ay matalo kay Ratanachai sa kanilang nakatakdang 12-round bout sa Casino Filipino Amphitheater sa Parañaque sa Nov. 25.

At kung sakaling manalo si Peñalosa, kanyang haharapin ang mananalo sa WBC 115-pound title bout sa pagitan ng defending champion Masamori Tokuyama at Akihiko Nago sa Osaka sa Dec. 11. Ang mandatory defense ay nakatakda sa kaagahan ng papasok na taon at dahil si Peñalosa ang siyang No. 1 contender, siya ang susunod na nakalinya para sa titulo na minsa’y hinawakan niya.

Si Ratanachai, isang 29-anyos ay may impresibong ring record na 38-4 na ang 27 dito ay pawang mga knockouts. Siya ay naging pro noong 1992, tatlong taon makaraan ang debut ni Peñalosa at marami na rin siyang Filipinong naging biktima. Ito ay kinabibilangan nina Marlon Carillo, Marcial Peliciano, Edgar Maghanoy, Joeboy Gaabon, Leo Ramirez, Henry Limpin, Aljon Corporal, Joel Juinio at Benjie Concepcion na pawang mga nakatikim ng KOs sa Thai pug.

Kailanman ay hindi pa natatalo ang Thai’s sa kanyang mga kalabang Filipino at ang tanging kabiguang kanyang natikman ay mula sa kanyang kababatang sina Khonphayak Chareon, Abdi Pohan, Rikcy Matulessi at Marc (Too Sharp) Johnson.

vuukle comment

ABDI POHAN

AKIHIKO NAGO

ALJON CORPORAL

ALOSA

BENJIE CONCEPCION

CASINO FILIPINO AMPHITHEATER

EDGAR MAGHANOY

GERRY PE

HENRY LIMPIN

NTILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with