^

PSN Palaro

Ginebra nakurta sa Alaska sa PBA Governors Cup

-
DAGUPAN CITY--Nakasiguro ng playoff para sa huling quarterfinal berths ang Alaska Milk matapos pasadsarin ang Barangay Ginebra, 93-79 sa pagdako ng aksiyon ng PBA Governors Cup dito sa Dagupan Astrodome.

Naitala ng Alaska Aces ang kanilang ikaapat na panalo sa anim na laro upang pantayan ang Tanduay Gold Rhum habang lalo namang nabaon ang Gin Kings na ngayon ay katabla sa pangungulelat ang Shell Velocity na may 1-5 record.

Dinomina ng Alaska ang laro kung saan umabante ng 20-puntos ang tropa ni coach Tim Cone, 76-56 sa bungad ng fourth quarters.

Tanging oposisyong nagawa ng Gins ay ang makalapit ng hanggang 9-puntos, una sa 50-59 at ang huli ay sa 73-82 sa final canto.

Pinangunahan ni import Sean Chambers ang apat na nagdouble figure sa Alaska sa paghakot ng 27 puntos kasunod sina Kenneth Duremdes (18), Poch Juinio (17) at Bong Hawkins (12).

Samantala, nasa bingit na ng pagkakatalsik sa kontensiyon ang Shell Velocity at ang kanilang kapalaran ay nasa kamay ng kanilang bagong import.

Pinalitan ng Turbo Chargers si import John Morton at ang bagong reinforcement na si James Morton ang inaasahang magsasalba sa Shell.

Hangad ng Shell na wakasan ang kanilang 3-game losing streak kontra sa Mobiline Phone Pals sa kanilang 6:30 ng gabing pakikipagsagupa sa Araneta Coliseum.

Mahalaga rin ang pa-nalo para sa defending champion San Miguel Beer at Pop Cola Panthers sa pambungad na laban sa ganap na alas-4:15 ng hapon.

Ibig naman ng Pop Cola na wakasan ang kanilang three-game losing streak na nagdala sa kanila sa 2-4 rekord sa likod ng 2-3 ng Beermen.

vuukle comment

ALASKA ACES

ALASKA MILK

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

BONG HAWKINS

DAGUPAN ASTRODOME

GIN KINGS

GOVERNORS CUP

JAMES MORTON

SHELL VELOCITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with