Isang malaking build-up ang isinagawa ni coach Leo Isaac sa off-season kung saan pinaghalong beterano at talented collegiate stars ang kanyang isasabak sa nalalapit na PBL Challenge Cup na magbubukas sa Nov. 4 sa Makati Coliseum.
Tanging limang datihang miyembro lamang ang naiwan sa koponan makaraan ang isinagawang major overall--itoy sina Davaoeños Randy Panerio, Jaymann Misolas, three-point shooter Jigger Saniel, dating UST Tiger Melchor Latoreno at ang top rookie na si Ranidel de Ocampo.
Pinalagda naman ni Isaac ang San Beda stalwarts na sina Jenkin Mesina, Jacques Gottenbos at ang 65 na si Ricky Calimag upang magbigay ng intensidad at sariwang dugo sa koponan.
Magbibigay rin ng karagdagang karanasan sa koponan ang pagkakasama ni dating Sharp Power Booster Aries Dimaunahan, Gerald Yba-ñez, 67 Gilbert Lao at ang point guard na si Orly Torrente.
Bunga nito, walang imposible kung ang Jewellers ay ganap ng maka-pasok sa finals.
Ang iba pang bubuo sa koponan ay sina Michael Donn Castañeda, Gary David at Ernest Medina.
"This is my kind of an ideal team. We got three talented big men and an equally talented back-up crew. Im quite happy with this line-up," ani Isaac.
" Our target for now is to get into the semifinals. Montana had been in the PBL for almost two years and I guess its about time we make a big move in this highly competitive field," dagdag pa ni Isaac.
Maging ang mga may-ari ng koponan na sina Arman at Conchita Quibod ay labis na nasisiyahan sa malaking pagbabago ng kanyang koponan na maghuhulma sa Montana na isa sa mga koponan na dapat katakutan sa kumperensiyang ito.