Hinugot ni coach Leo Austria sina Erwin Velez at Michael Robinson upang idagdag ang kanilang karanasan at intensidad sa kanyang maasahang koponan na binubuo ng Chairman’s Cup MVP na si Roger Yap Jr., Egay Echavez, Chester Tolomia, Gilbert Malabanan at ang 6-7 na si Rysal Castro.
Inasinta rin ng Raul Panlilio-owned franchise ang 6-foot-7 standout na si Ervin Sotto upang idagdag sa kanilang poste at ang 5’10 na si Odelon Oga mula sa Baguio City kapalit ni Echavez sa backcourt.
"I felt sad that I lost five reliable men," pahayag ni Austria patungkol kina Christopher Abellana, Cesar Romero, Ronan Isidro, Ronald Saracho na iniulat na lumagda sa Iloilo Voltz at Arnel Manalac na sumapi na rin sa Laguna Lakers.
"Nawala man sila, but I’m equally happy we got better men to help us in our title bids. I could say we got a better line-up this time than last conference," dagdag pa ni Austria.
Nabuhay ang rivalry ng Shark at ng Welcoat Paints nang ang dalawang koponan na ito ang siyang magharap sa PBL Chairman’s Cup best-of-five championship series.
Ang tatlong iba pang nadagdag sa koponan ay ang Cebuanong sina Rico Lim-narte, dating St. Benilde stalwart Carlo Garcia at ang 6’1 Filipino-German Kenneth Gumpenberger.
Kabilang din sa koponan sina Bong Salvador, Joselito Rodriguez at Gerald Ortega.