10 atletang Pinoy lalahok sa 4th Asian Soft Tennis Champ
October 26, 2000 | 12:00am
Sampung atleta ng Philippine Soft Tennis Association ang kakatawan sa bansa sa nalalapit na 4th Asian Soft Tennis Championships na gaganapin sa Saga City, Japan sa Nobyembre 1.
Ang RP soft netters na pinamumunuan ni top seed Josephine Paguyo, second seed Petrona Bantay, Divine Escala, Dinna Cruz, at Belen Dante ay umaasa ng magandang kampanya ng bansa sa womens division habang sina assistant coach Wenifredo De Leon Jr., Richmond Paguyo, Michael Enriquez, Orlando Silvoza at top seed Samuel Nuguit ang pambato sa mens event.
Ang PSTA team ay suportado nina Peter Gaisano, PSTA vice-president and Chief of Mission Agapito Custodio, head coach Dorothy Jane Suarez na siyang coach ng mga kababaihan.
"The athletes are high in morale, they are in the right track. Malaki ang tsansa ng mga bata na makakuha ng gintong medalya. Pinaghandaan talaga namin ang torneong ito. "They want to go over the medal production of the previous netfest," ani PSTA president Tony Tamayo.
Ang mga kalahok na bansa para sa 4th Asian Soft Tennis Championships ay ang host Japan, Philippines, China, North Korea, South Korea, Taipei, Thailand, Malaysia, Indonesia, Vietnam, Brunei, Mongolia, Laos, Kazakhstan, India at Cambodia.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest