^

PSN Palaro

12 team sa PYBL, kumpleto na

-
Kinumpleto ng Jose Rizal College, 1999 NCAA title runner-up ang 12-team field ng kauna-unahang Philippine Youth Basketball League na magbubukas sa Nov. 11 sa Makati Coliseum.

Sinabi ni PBL Chief Operating officer Perry Martinez na nakumbinsi ang Boy de Vera-mentored Heavy Bombers na lumahok sa nasabing liga matapos ang kanilang pag-uusap ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) board.

Sa kabila nito, nagdesisyon ang Jose Rizal maging ang Mapua Institute of Technology na lumaro na dala ang pangalan ng kani-kanilang paaralan na wala ni anumang corporate sponsor at sila mismo ang sasagot ng gastusin sa kani-kanilang entry fees sa initial na pagdaraos ng nasabing event.

Ang dalawang iba pang NCAA teams na nagkumpirma ng kanilang partisipasyon ay ang NCAA champion College of St. Benilde na dadalhin ang kulay ng Mercury Freight at ang San Sebas-tian na susuportahan naman ng Dazz Dish-washing Paste.

Ang iba pang walong koponan ay ang FEU-Mr. Wash, Spring Cooking Oil, Boysen-MLQU, Guagua National Colleges, Assumption College of Pampanga, Gringo Express-Barkadahan, Maynila at Crystal Spring Las Piñas College.

Sa kabila nito, hindi pa kumpirmado kung ang ace pointguard na si Ernani Epondulan ay makakasama sa line-up ng Heavy Bombers. Mayroong mga reports na may nagaganap na negosasyon na para maglaro si Epondulan sa PBL regular team.

Ang 12 koponan ay igugrupo sa dalawang division na ang bawat teams ay lalaro ng single-round robin sa kani-kanilang grupo.

Ang top three teams sa bawat grupo ang siyang makakapasok sa quarterfinal round of six, habang ang lower-ranked teams sa bawat grupo ay lalaro naman ng series ng games bilang konso-lasyon round.

ASSUMPTION COLLEGE OF PAMPANGA

CHIEF OPERATING

COLLEGE OF ST. BENILDE

CRYSTAL SPRING LAS PI

DAZZ DISH

ERNANI EPONDULAN

GRINGO EXPRESS-BARKADAHAN

GUAGUA NATIONAL COLLEGES

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with