40 teams nagpatala sa SLTBA bowlfest

Naging maganda ang pagbubukas ng Sta. Lucia Tenpin Bowling Association kung saan umabot sa 150 bowlers at 40 teams ang nagpatala sa unang araw ng labanan.

Ang naturang bowlfest ay gugulong hanggang Oct. 30 sa Sta. Lucia East Grand Mall sa Marcos Highway Cainta, Rizal.

Ang mga kalahok ay kinabibilangan ng Philippine Team, National Pool at iba pang national standout. Ang mga kalahok naman na clubs at associations ay ang AMBA, TCBA, PBA, PBAP, ATBA, ABC, GMTBC, Bowlmart, Prima, MTBA, MBA, PSB, SJBA at TCBA.

Sina RJ Bautista at Ces Yap ang mga defending Open Masters sa men’s at women’s category, ayon sa pagkakasunod.

Show comments