Gherome Ejercito PBAPC Player of the Week
October 24, 2000 | 12:00am
Nang unang tumapak ang kanyang mga paa sa sahig ng PBA, humakot na kaagad ng malaking atensiyon ang manlalarong ito dahil sa dalawang bagay.
Una ang dala-dala niyang pangalan at ang ikalawa ay ang kanyang pigura bilang isang the- boy-next-door.
Ngunit bukod sa pagiging pamangkin ng Chief Executive ng bansa at ang malaking kikitain niya sa mga pelikula kung papasukin niya ang pag-aartista, mayroong isang bagay na pinatunayan si Gherome Ejercito at itoy ang kanyang mahusay na paglalaro ng basketball.
Siya ay isa ring simpleng tao at sa katunayan, dahil sa kanyang mga nai-tulong sa Mobiline Phone Pals sa kasalukuyang PBA Governors Cup, nasa magandang katayuan ngayon ang Phone Pals.
Bukod kay Ejercito, humakot rin ang Phone Pals ng malalaking laro sa tulong ng kanyang mga teammates at ilang panalo na lamang, muli nilang mararating ang isa sa krusiyal sport ng Final Four.
Nitong nakaraang linggo, nagpamalas si Ejercito ng intensibong performance upang gapiin ng Phone Pals ang Batang Red Bull at ang Purefoods Tender Juicy Hotdogs na dahilan upang ang dating Adamson Falcon ng UAAP ay makuha ang karangalang iginagawad ng PBA Press Corps ang Player of the Week award.
"Wala akong masabi sa team ko, grabe ang inilalaro nila. Everybody is cooperating, but of course, I have to give more credit to my leaders on the court. I salute Gherome who is fast making a reputation as a great point guard," pahayag ni coach Louie Alas.
Sapat na ang mga ipinapakita ni Ejercito na sa kanyang kabataan ay maaari na itong magdala ng koponan.
At ngayon, inisip na ni Alas na puwede ng ihanay si Ejercito sa grupo nina Johnny Abarrientos at Olsen Racela bilang leagues elite guards.
"Ano pa ang hahanapin mo sa kanya? May tira sa labas, mayroong drive at ang talas ng mata. Kaya ang gandang magpasa," dagdag pa ng guro ng Phone Pals sa performance ngayon ni Ejercito.
Sa kanyang huling laro, si Ejercito ay humakot ng 15 puntos, pitong assists at isang rebounds kontra sa Thunder, bago tumapos ng 14 puntos, pitong assists, tatlong rebounds at dalawang steals laban naman sa Hotdogs.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended