^

PSN Palaro

Pinay powerlifter naka-bronze medal sa Sydney Paralympics

-
SYDNEY--Makaraan ang nakakadismayang kampanya sa Millennium Olympic Games, bumawi naman ang Philippine sports sa tikas ng performance ng powerlifter na si Adeline Dumapong na nag-uwi ng medalya sa 11th Paralympiad Games na ginanap sa Olympic Park’s Downes Pavillion dito.

Ibinulsa ni Dumapong, tubong Ifugao Province ang medalyang tanso sa powerlifting women’s 82.5 kg. categroy.

Naging maganda ang kanyang buhat sa 97.5 kg. sa kanyang unang tangka. Pero bumagsak sa ikalawa sa 107.5 kg. na hindi naman nakaapekto sa kanyang 110 kg. na binuhat sa third at final na pagtatangka na naghatid sa kanya para sa ikatlong puwesto sa anim na lahok.

Ipinagmamalaki ni Philippine Sports Commission Chairman Carlos Tuason ang tagumpay ng Pinay powerlifter sa international competition.

ADELINE DUMAPONG

DOWNES PAVILLION

DUMAPONG

IBINULSA

IFUGAO PROVINCE

IPINAGMAMALAKI

MAKARAAN

MILLENNIUM OLYMPIC GAMES

OLYMPIC PARK

PARALYMPIAD GAMES

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION CHAIRMAN CARLOS TUASON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with