^

PSN Palaro

Canelas, kampeon sa Greenhills 5 Mile Classic

-
Nagpamalas ang bagitong si Ribel Canelas ng impresibong oras upang dominahin ang kauna-unahang edisyon ng Greenhills running club 5 Mile Classic na nagsimula at nagtapos sa Greenhills Shopping Center sa San Juan kahapon.

Tinawid ni Canelas, na bagito pa lamang sa anumang running event ang finish line sa tiyempong 27 minuto at 56 segundo upang ibulsa ang P1,500 na kanyang premyo at tropeo na hatid ng organizing Greenhills running club na may layuning makakalap ng pondo na ang mga magiging benificiary ay ang White Cross.

Pumangalawa kay Canelas si Augusto Po na nagtala ng 28:21 sumunod si Rio dela Cruz, isang 18-anyos na nagposte naman ng 28:28, upang ibulsa ang kanilang premyo na P1,000 at P500, ayon sa pagkakasunod.

Sa kababaihan, inangkin ng beteranang si Enate Sayrol ang karangalan sa kanyang tiyempong 33:45 sa kabila ng ilang buwan niyang pamamahinga sa karera.

Pumangalawa si Melinda Manahan na may layong 12 segundo kay Sayrol sa kan-yang oras na 33:57 at sumunod si Catherine Baltas na nagposte ng 38:49.

Iginawad nina Greenhills running club president Gerry Jarin at race director Rudy Biscocho ang mga premyo at tropeo sa lahat ng mga nanalo.

vuukle comment

AUGUSTO PO

CATHERINE BALTAS

ENATE SAYROL

GERRY JARIN

GREENHILLS

GREENHILLS SHOPPING CENTER

MELINDA MANAHAN

MILE CLASSIC

PUMANGALAWA

RIBEL CANELAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with