^

PSN Palaro

Ginebra pinatumba ng Tanduay sa PBA Governors' Cup

-
Sa likod ng paralisadong line-up ng Tanduay Gold Rhum, magiting na nakipaglaban ang Rhum Masters laban sa Barangay Ginebra tungo sa kanilang 103-96 pamamayani sa pagusad ng elimination ng PBA season-ending Governors Cup sa Araneta Coliseum kagabi.

Humataw sina Dondon Hontiveros at Jeffrey Cariaso upang ihatid ang Tanduay sa kanilang ikatlong sunod na panalo matapos ang limang pakikipagsagupa.

Nilukuban nina Hontiveros at Cariaso na may pinagsamang 46 puntos ang mahusay na performance ni import Sean Green na bagamat may nararamdamang injury ay nakapaghatid pa ito ng 35 puntos para sa Gin Kings.

Hindi naging bentahe sa Gin Kings ang pagkawala nina Eric Menk na kasalukuyan pa ring walang go-signal mula sa DOJ, Pido Jarencio na may injury sa tuhod at ang pinakahuli ay si Cris Cantonjos na nagkaroon ng sore eyes, sanhi ng kanilang ikaapat na pagkatalo sa limang pakikipaglaban.

Bunga ng panalong ito, napaganda ng Rhum Masters ang kanilang kartada sa 3-2 win-loss slate.

Buhat sa 87-84 pangunguna ng Gin Kings, pinangunahan nina Cariaso at Hontiveros ang mainit na 16-6 run, tampok ang back-to-back triples ni Bobby Jose, ang naghatid sa Rhum Masters sa 100-93 kalamangan patungong huling 27.7 segundo ng labanan.

Habang sinusulat ang balitang ito, ay kasalukuyang naglalaban ang Mobiline Phone Pals at Purefoods TJ Hotdogs bilang main game kagabi.

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

BOBBY JOSE

CARIASO

CRIS CANTONJOS

DONDON HONTIVEROS

ERIC MENK

GIN KINGS

GOVERNORS CUP

RHUM MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with