Mexican boxer TKO kay Espinosa
October 22, 2000 | 12:00am
Siniguro ng dating two-time world champion na si Luisito Espinosa na maging maganda ang kanyang pagbabalik sa ibabaw ng lona noong Biyernes ng gabi matapos ang anim na buwang pamamahinga.
Itoy makaraang magtala ng 4th round technical knockout na panalo kontra kay Ramon Aragon ng Mexico sa undercard ng laban nina Mike Tyson at Andrew Golota na ginanap sa Auburn Hills, Michigan noong Biyernes ng gabi (Sabado ng umaga sa Manila).
Pinabagsak ng 33-anyos na si Espinosa ang kalabang si Aragon sa 2nd round na sinundan ng pagsarado ng mga mata ng Mehicanong kalaban nito sa third round matapos na magpakawala ng mga malalakas na jabs ang dating kampeon.
Dahil sa pagkakasara ng mga mata ng Mehicanong fighter, minabuti na lamang ng referee na itigil na lamang ang laban matapos ang ikaapat na round para hindi na masaktan pa ang kalaban ni Espinosa.
Matatandaan na huling lumaban si Espinosa noong buwan ng Abril, pero bigo itong muling maagaw ang WBC featherweight crown nang pabagsakin siya ni Guty Espadas ng Mexico sa laban na idinaos naman sa Merida.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended