^

PSN Palaro

Suarez pasok sa Finals ng World Cup Bowlfest

-
LISBON--Nagpagulong ang Filipino bowler na si CJ Suarez ng 5083 pins sa 24 games noong Miyerkules upang makapasok sa 24-man cut sa World Cup international finals dito.

Nagtala si Suarez, isang first-timer sa prestihiyosong individual tourney na ito ng averaged na 211.8 para tumapos ng ika-23rd place.

Patuloy na hinahawakan ni Tore Torgersen ng Norway ang liderato sa kanyang 5563 pins makaraang agawin ang pamumuno noong Martes sa tulong ng kanyang perpektong laro. Binuksan ng Norwegian ang 106-pin na kalamangan kontra Steve Thomton ng England na may 5457.

Pumangatlo si Guy Caminsky ng South Africa na may 5364, sumunod sina Thomas Leanders-son (5362), Kimmo Lehtonen ng Finland (5343), Andres Gomez ng Colombia (5337), Chris Van Damme ng Belgium (5335), Ahmed Shaheen ng Qatar (5311), Domenico Righi ng San Marino (5286) at Mohammed Al-Qubaisi ng UAE (5268).

Muling nakatakdang lumaro ang 24 na nakaligtas sa second round ng panibagong 16 games upang madetermina ang top eight na siyang uusad naman sa quarterfinals. Nakatakda ring lumaro ang 24 lady bowlers na kinabibilangan ng isa pang entry ng bansa na si Arianne Cerdeña sa 24 games .

AHMED SHAHEEN

ANDRES GOMEZ

ARIANNE CERDE

CHRIS VAN DAMME

DOMENICO RIGHI

GUY CAMINSKY

KIMMO LEHTONEN

MOHAMMED AL-QUBAISI

SAN MARINO

SOUTH AFRICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with