^

PSN Palaro

Cerdeña pumasok sa susunod na round ng 2000 World Cup Int'l

-
LISBON--Nagposte ang beteranang Filipino bowler na si Arianne Cerdeña ng 24-game series na 4794 pinfalls noong Martes upang tumapos ng pang-14th na puwesto at umusad sa susunod na round ng 2000 World Cup international finals dito.

Nakalikom si Cerdeña, 1998 Seoul Olympic gold medalist ng averaged na 199.8 at magaang na nakapasok sa 24-woman cut.

Naagaw ni Clara Juliana Guerrero ng Colombia ang unang puwesto sa kanyang 5332 para sa 222.2 average, sumunod sina Anee-Maree Putney ng Austria ( 5292, 220.5),Shalin Zulkifli (5257, 219), Heide Larnia ng Finland (5143, 214.3) at Kristen Penny ng England (5078, 211.6).

Ang 24 na nakalusot ay muling lalaro ng panibagong 16 games na ang top eight base sa kani-kanilang iskor kabilang ang unang 24 games ang siyang uusad sa quarterfinals.

Umabot sa 43 lady bowlers ang tuluyan nang namahinga sa torneo na ito na hatid ng AMF Bowling, ang siyang pinakamalaking may-ari at nag-ooperate ng bowling center sa buong daigdig.

Samantala, nagrolyo si Thomas Leanderson ng Sweden ng kauna-unahang perfect game ng tourney noong Martes ng hapon, ilang minuto kung saan sinagot naman ng matagal na niyang karibal na si Tore Torgersen ng Norway ang kanyang hamon sa sarili nitong 300 iskor.

ANEE-MAREE PUTNEY

ARIANNE CERDE

CLARA JULIANA GUERRERO

HEIDE LARNIA

KRISTEN PENNY

SEOUL OLYMPIC

SHALIN ZULKIFLI

THOMAS LEANDERSON

TORE TORGERSEN

WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with