Pinoy javelin thrower sasabak sa F-57 category
October 17, 2000 | 12:00am
SYDNEY-Umaasa ang javelin thrower na si Andres Lubin na magiging maganda ang kanyang performance sa kabila ng kanyang paglahok sa isa pang panibagong kategorya sa 2000 Paralympics Games dito.
Sasabak si Lubin sa F-57 category sa halip na sa F-54 makaraan masuri noong Linggo ng Games Medical Committe na ang kanyang kaliwang paa ay kasalukuyang pang gumagana maging ang kanyang abdominal muscle.
"After the classification, na-disqualify si Lubin sa F-54 dahil dapat parehong hindi nagagamit ang dalawang binti niya," wika ni St. Francis of Assisi PE director Romeo Sotto na siyang humahawak sa tatlong buwang training ni Lubin.
" Mahihirapan siya sa nangyari dahil mas mataas ang competition level sa bago niyang category. Sayang, pero wala tayong magagawa, we have to follow the doctors advice," dagdag pa ni Sotto na dating national decathlete.
Ang tubong Baguio City na si Lubin ay silver medalist sa Malaysia Paralympiad nitong kaagahan ng taong kasalukuyan at sa Bangkok FERSPTC Games noong nakaraang taon at nananatili itong optimistiko.
"Hindi namin inaasahan ang nangyari. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko, lalaban ako nang husto," pahayag naman ng 29-anyos na si Lubin, isang data encoder sa Philippine Savings Bank head office.
Isasabak naman sa aksiyon ni coach Nestor Fajota III ang powerlifter na si Adeline Dumapong sa 82kg.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended