Hingis pasok sa semifinals ng Swisscom Challenge
October 14, 2000 | 12:00am
ZURICH, Switzerland--Gaya ng inaasahan ang home favorite na si Martina Hingis ang siyang kauna-unahang manlalaro na umusad sa semifinals ng Swisscom Challenge nang kanyang dispatsahin ang Russian qualifier na si Anastasia Myskina, 6-0, 6-4 noong Huwebes.
Sa iba pang laban, itinakda ni sixth-seed Jennifer Capriati ng Amerika ang kanyang pakikipagsagupa sa quarterfinal kontra Anna Kournikova ng Russia matapos na talunin si Anne-Gaelle Sidot ng France, 6-3, 6-1.
Tinalo naman ng third seed na si Nathalie Tauziat ng France si Magdalena Maleeva ng Bulgaria, 6-4, 6-0 at kanyang sasa-gupain si Barbara Schett ng Austria na sumibak na-man kontra South African veteran Amanda Coet-zer, 7-6 (8/6), 3-6, 6-4.
Magaang na winalis ng 20-gulang na si Hingis ang unang set sa 17 minuto lamang kung saan nagbigay lamang ito ng isang puntos sa kanyang serbisyo.
Subalit matapos na basagin ang 2-1 kalamangan ni Hingis sa second set, binuksan ng 19-gulang na si Myskina ang pinto ng kanyang kalaban sa ilang hindi inaasahang mga errors upang itabla ang iskor sa 2-2.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended