Ang nasabing chessfest ay isang nine-round Swiss System na suportado ng Coca-Cola, Glutaphos, Mr. Donut 24-hour Greenhills Branch, Jacobs Crackers, Salonship Aquapatch, Nova Chips at Lemon Square na ang magka-kampeon ay pagkakalooban ng P20,000 at 10,000 sa mens at womens division, ayon sa pagkakasunod.
Ito ay bukas para sa lahat ng paaralan, pribado o pampublikong kumpanya, mga local at non-government units. Kasalukuyan ng ginaga-nap ang patalaan sa GSC office sa GSC Theater.
Panauhing tagapagsalita sina Federation Internationale des Echecs Chairman Emeritus Florencio Campomanes at ang kauna-unahang Grand Masters sa Asia na si Rodolfo Cardoso sa isang simpleng seremonya.
Para sa iba pang detalye, tumawag lamang kay Lito Cocepcion o kaya kay Noemi Tabaroo sa tel. nos. 7210572, 7210574 o 7264476.