Ginapi naman ng fourth-seed na si Anna Kournikova ng Russia ang kababayang qualifier na si Tatiana Panova, 6-3, 6-3, habang isa pang qualifier naman na si Anastasia Myskina ang nagtala ng malaking upset nang kanyang talunin ang Olympic finalist na si Yelena Dementyeva, 6-4, 2-6, 6-1.
Nakausad ang seventh-seed Amerikanang si Chanda Rubin sa susunod na round makaraang magretiro ang German qualifier na si Jana Kandarr sanhi ng abdominal strain sa 6-2, 2-0 iskor.
Bagamat ang naging laro ni Davenport ay hindi gaya ng dating intensibo matapos ang tatlong linggong pahinga, nakakuha naman siya ng mga pun-tos na siya niyang kailangan kung saan humakot ito ng tatlong sunod na aces na naghatid sa kanya sa tagumpay.