"Magandang laban ito dahil wala pa siyang talo at magaling din. Pero ga-gawin ko ang lahat ng aking makakaya para manalo," wika ng 21-gulang na si Pacquiao nang maging panauhin ito sa lingguhang PSA Sports forum kahapon sa Holiday Inn Hotel.
Nakopo ni Pacquiao ang WBC flyweight crown noong 1997 bago siya natalo sa Thai fighter.
Ayon sa kanyang trainer, walang pahinga sa kanyang training ang kampeon upang paghandaan ang nakatakdang laban nito sa Sabado na ang kanyang panalo ang magdadala sa Filipino fighter para sa world title.
"Matagal ang kondisyon ko ngayon. Siyempre, ayaw din nating mapahiya sa mga supporters natin," dagdag pa ni Pacquiao na mayroong professional ring record na 29 panalo at dalawang talo na kinapa-palooban ng 25 knockouts.
Dumalo rin sa forum ang 22-gulang na si Hussein, isang Lebanese born na lumaki sa Australia at makikitang ito ay kumpiyansa hinggil sa kanyang tsansa kontra sa Pilipino pug kung saan inilarawan niya ito bilang isang "strong fighter but is good only after three or four rounds."
Dumalo rin sa forum ang mga miyembro ng Philippine team na lalahok sa Sydney paralympics sa Oct. 18-29. Dalawang Filipinos ang lalahok para sa gold--sina javelin thrower Andres Lubin at powerlifter Adeline Dumapong.
Pawang naipanalo ni Hussein, na umakyat sa pro matapos na mabigong makasama sa Australian team para sa 1996 Atlanta Olympics ang kanyang 19 pro fights kabilang ang 11 knockouts. Tatlong Pilipino ang kanyang napatulog na at ang huling biktima ay si Allan Visayas noong nakaraang taon.
Sinabi ng dating Australian amateur champion na walang sinumang puwedeng makapigil sa kanya maging ang mga Filipino crowd para siya ay pigilan na manalo sa labang tinaguriang " Encounter sa Antipolo."
Kabilang din sa undercard ng laban ang sagupaan sa pagitan nina Randy Mangubat na sasabak kontra sa South Korean Jong Wan Kim para sa bakanteng WBC International flyweight crown.
Idedepensa naman ni Manny Melchor ang kan-yang WBC international minimumweight crown kontra sa kababayang si Zarlit Rodrigo. Huling naipagtanggol ni Melchor ang kanyang titulo nang talunin ang Mongolia’s na si Shinebar Sukbatar, apat na buwan na ang nakakalipas.