Dr. Mayor ibinulsa ang titulong Executive Chess Days
October 10, 2000 | 12:00am
Isang impresibong sulong ang ginawa ng dentistang si Jenny Mayor upang ibulsa ang kanyang back-to-back title sa ikaanim na edisyon ng Executive Chess Days sa Philippine Chess Center-Quezon City noong Sabado ng gabi.
Ang huling panalo ni Mayor sa huling round kontra Philippine National Banks Dabilo Ponay sa 35 moves ng Caro-Kann Defense ang nagbigay kay Mayor, dating National University standout ng bentahe upang maungusan ang mga kalaban na sina Edward Oliver Ang at Robert Arellano sa liderato.
Sa kabila nito, tumapos naman sina Ang at Arellano ng may tig-4.5 puntos makaraang kapwa pumayag sa maagang draw sa sixth at final round. Dahil sa mas mataas ang tiebreak ni Ang na 20.5 siya ang umokopa ng ikalawang posisyon at si Arellano na may 20.0 tiebreak points ang puma-ngatlo.
Iniuwi naman ni Mayor ang korona at karagdagang P4,000 premyo, habang nakuntento naman sina Ang at Arellano sa tig-P2,000 at tropeo.
Ang iba pang top finishers sa buwanang tournament na ito na inorganisa ng Philippine Chess Society ay sina June champion Dennis San Juan (4th), Dr. Johnny Corrales (5th) at Police Major Melandro Singson (6th).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended