20 koponan lalahok sa Quicksand 3

May 20 koponan mula sa iba’t ibang kolehiyo, unibersidad at clubs kabilang na ang ilang provincial teams na inaasahang lalahok sa Quicksand 3, ang taunang beach football tournament na iho-host ng Subic Bay Metropolitan Authority sa unang pagkakataon.

Inorganisa ng Beach Football Association of the Philippines (BFAP) na binigyan ng pagkilala ng Philippine Football Federation, ang apat na pangunahing teams ay lalaro sa top four sa south para sa national invitational championship bago matapos ang taong ito.

Show comments