Ang 4th seed na Spaniard ay nagrally mula sa 3-1 sa final set upang magwagi sa iskor na 6-2, 2-6, 6-3, at sunod na haharapin si Martina Hingis.
Ang top seed na Swiss player ay namayani naman kay 8th seed Dominique Van Roost ng Belgium, 6-2, 6-1, sa loob lamang ng 56 minutos.
Ang iba pang semifinal match ay sa pagitan nina unseeded Kim Clijster ng Belgium na na-sweep ang huling limang laro upang masilat si second seed Conchita Martinez ng Spain, 7-5, 7-5 at third seed Nathalie Tauziat na dinaig si Anne-Gaelle Sidot, 7-5, 6-2 sa isang all-French clash.
Ang fifth seed na si Coetzer ay patungo na sa panalo matapos makarekober mula sa hindi magandang opening set. Higit na maganda ang laro ni Sanchez-Vicario at hindi gaanong gumawa ng error sa long baseline rallies at madalas na mahuli ang tira ng South African lalo na sa mga drop shots.