^

PSN Palaro

Pop Cola sinuwag ng Red Bull sa PBA Governors Cup

-
Nailista ng Red Bull ang ikalawang sunod na panalo makaraang igupo ang magiting na nakipaglabang Pop Cola sa isang overtime game, 100-95 sa pag-usad ng elimination ng PBA season ending Governors Cup sa Phil-Sports Arena kagabi.

Isang mainit na 11-2 salvo ang pinangunahan nina Ato Agustin at import Raymund Tutt na naglagay sa Red Bull sa kampanteng 100-93 pangunguna patungong 33.3 segundo ng labanan.

Tumapos si Tutt ng 41-puntos, habang si Agustin ay nagtala naman ng 19-puntos upang ipalasap sa Pop Cola ang kanilang unang kabiguan matapos magtagumpay sa kanilang unang laro.

Humantong sa overtime ang labanan nang nailusot ni Noli Locsin ang isang undergoal stab mula sa pasa ni Jojo Lastimosa sa likod ng pagtatangkang pagsupalpal ni Tutt na nagtabla ng score sa 89-all, 3.4 segundo na lamang ang natitirang oras sa laro.

Nabigo naman ang Red Bull na umiskor nang matapik ni Winnie Arboleda ang bola kay Tutt na bagamat nakapagbuslo bago maubos ang .5 of a second na natira, mula sa inbound pass ni Agustin, lumuwa ang bola mula sa rim sanhi ng karagdagang 5 minuto sa laro.

Sa unang bahagi pa lamang ng labanan, humataw na si Raymund Tutt ng Red Bull upang ihatid ang Red Bull sa 11-puntos na kalamangan..

Samantala, ikalawang sunod na panalo ang pagsisikapang masungkit ng Purefoods T.J. Hot-dogs sa kanilang pakikipagsagupa sa Shell Velocity sa pagdako ng aksiyon ng Philippine Basketball Association sa kauna-unahang pagka-kataon sa San Jose, Antique.

AGUSTIN

ATO AGUSTIN

GOVERNORS CUP

JOJO LASTIMOSA

NOLI LOCSIN

PHIL-SPORTS ARENA

POP COLA

RAYMUND TUTT

RED BULL

TUTT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with