5 Mile Classic sisimulan na
October 6, 2000 | 12:00am
Muli na namang magiging aktibo hanggang sa susunod na taon ang mga running event sa bansa kung saan inihayag ni race organizer Rudy Biscocho ang mga schedule ng naturang karera hanggang Pebrero 2001.
Ayon kay Biscocho, mayroong 5 Mile Classic ang gaganapin sa Oct. 22 sa Ortigas Ave., na magsisimula at magtatapos sa Greenhills Shopping Complex, susunod ang Yakult 10 Miler sa Nov. 5 at ang Adidas King of the Road sa Nov. 19. At sa Dec. 10 idaraos naman ang 24th National Milo Marathon kung saan ang lahat ng qualifiers mula sa kasalukuyang ginaganap na National Milo regional elimination runs ang siyang maglalaban-laban para sa 42K distance marathon.
At sa Feb. 11, 2001, magiging punong abala ang DZMM sa 2nd DZMM Takbo Para Sa Kalikasan na susundan naman ng AVON National Finals sa Makati City sa Feb. 18 na tinatayang aabot sa 4,000 kababaihan ang inaasahang magpapartisipa para sa Avon Running Global Championship.
Para sa iba pang mga interesado at karagdagang impormasyon ay tumawag lamang sa tel. 7279987.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am