^

PSN Palaro

San Sebastian pasok sa final ng NCAA

-
Nagpakita ng matinding determinasyon at mabigat na hamon ang San Sebastian College sa pagbubukas ng second half upang silatin ang Jose Rizal College, 97-79 upang upuan ang unang finals slot ng 76th NCAA seniors basketball sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

Isinalpak ni Mark Macapagal ang 15 sa kanyang kabuuang game-high na 25 puntos sa huling bahagi ng labanan upang muling ihatid ang Stags sa finals na huli nilang natikman noong 1997.

Ang kabiguan ay isang napakasakit para sa Heavy Bombers na sila ang inaasahan na makakauna sa finals matapos na bumandera sa pagtatapos ng eliminations.

Huling hinawakan ng Bombers ang trangko sa 55-54 mula sa jumper nina Nathaniel Gregorio at tres naman ni Rendel dela Rea, 16:50 ang nalalabing oras sa laro, bago nagsimulang umahon ang Stags.

Umalagwa pa ang kalamangan ng Stags sa 65-55, 13:57 ang nasa tikada, pero sinikap nina Ariel Capus at dela Rea na ilapit ang iskor sa 64-71.

Pero isang 9-1 salvo ng ibinaba ng Stags sa pamumuno ni Nurjamjam Alfad na siyang higit pang naglubog sa Heavy Bombers tungo sa pinakamalaking bentahe sa 15-puntos, 80-65, patungong huling 6:12 minuto ng laro.

"Team work is the key. We gave our best both on offense and defense in the second half." ang masayang pahayag ni San Sebastian coach Turo Valenzona patungkol sa kanilang pitong dikit na tagumpay na siya nilang naging tuntungan para sa finals.

Sa juniors division, dobleng sakit ang na-ramdaman ng JRC nang ang kanilang junior counterparts ay masibak rin sa finals ng defending champion Mapua Institute of Technology, 74-71 upang itakda ang kanilang paki-kipagharap sa naghihintay ng Letran Squires.

ARIEL CAPUS

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL COLLEGE

LETRAN SQUIRES

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

MARK MACAPAGAL

NATHANIEL GREGORIO

NURJAMJAM ALFAD

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with