PANOORIN: Bea Millan-Windorski, third runner-up sa Miss Universe 2026
MANILA, Philippines — Nagtapos sa Top 5 ang pambato ng Pilipinas na si Bea Millan-Windorski sa Miss Universe 2026 matapos ang kanyang kampanya sa ika-75 edisyon ng international beauty pageant na ginanap sa San Juan nitong Martes, Nobyembre 24 (Miyerkules, Nobyembre 25 sa Pilipinas).
Hindi man naiuwi ni Millan-Windorski ang korona, nakapasok siya sa huling limang kandidata ng kompetisyon, kung saan itinanghal na kampeon si Jennifer Barreto ng Puerto Rico.
Sa Top 5 question-and-answer portion, tinanong si Millan-Windorski kung paano niya mapatutunayang nananatiling makabuluhan ang Miss Universe matapos ang 75 taon.
Sa kanyang sagot, kinilala niya ang mga naunang henerasyon ng kababaihan na nagbigay-daan sa mas magandang kinabukasan. Ibinahagi rin niya ang kanyang adbokasiya para sa mga komunidad na napilitang lumikas dahil sa climate change at iba pang bulnerableng sektor.
- Latest



















