Aktor, sa ibang tao nakapangalan ang pinagmamalaking bahay
ANG papangit ng mga chika tungkol sa isang aktor na kontrobersyal ang lovelife!
May chika na hindi naman daw talaga mayaman gaya ng pinalalabas na image niya!
Kaya raw nagkaroon ng malaking bahay sa isang sosyal na village eh may sponsor pala siya noon. Hindi naman daw maibenta ang bahay dahil hindi ito nakapangalan sa aktor kundi sa sponsor niya!
Heto pa. Kapag nagkaroon siya ng girlfriend, kasambahay kung utusan niya ito! Ayaw kasi ng aktor na maraming kalat sa bahay kaya ‘pag may naiwang kalat nagagalit siya sa dyowa!
May mga taga-showbiz na nakarelasyon ang aktor. Pero parang walang nagtagal at laging may hanash sa kanya!
Parang too good to be true ang aktor, huh!
SB19, ‘di na-imagine ang Lollapalooza noon
MATINDI talaga ang SB19! Suportado ang performance nila sa global stage sa Lollapalooza!
Talaga namang may watch party sa auditorium sa Luneta at iba pang bahagi ng bansa!
Eh sa video clips na naglalabasan sa social media, nakaka-proud silang napapanood sa malaking event. Super proud din silang nagbigay ng introduction sa sarili, “We are SB19 from the Philippines!”
Sa Facebook page ng SB19, nakasaad ang, “We never imagined we’d one day perform on a global stage and represent the Philippines.
“Yesterday was proof that dreams go bigger when you believe in yourself and the people who believe in you.
“This win isn’t just for us. It’s for everyone who believes in us.
“Lollapalooza, you were something else. From the Philippines to the world!”
Deserved ng SB19 na maging PH Tourism Ambassadors! Congratulations!
- Latest




















