Lacson: ‘Malicious pero delicious’ na detalye sa Taguig infra projects, ilalantad
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon Sen. Panfilo “Ping” Lacson na ilalantad sa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga “delicious” na detalye sa likod ng mga maanomalyang infrastructure project sa Taguig City.
Ayon kay Lacson, na nagsumite ng mga ebidensya hinggil sa mga kuwestiyonableng proyektong pang-imprastraktura sa Ombudsman nitong nakaraang Martes, na tatalakayin sa mga pagdinig ang hindi bababa sa limang case studies na isinagawa ng kanyang team.
“’Malicious pero delicious’-bumigay na yata.Kung anu-ano na pinagsasabi. The public may partake of the ‘delicious’ part if they watch the Blue Ribbon Committee hearings where the details of the truth behind the 5 Taguig case studies that we submitted to the Ombudsman will be exposed,” aniya sa isang post sa X.
Tinutukoy niya ang pahayag ni Sen. Alan Cayetano na “malicious” ang mga ibinunyag ni Lacson tungkol sa mga proyektong pang-imprastraktura sa Taguig, na sinagot naman ni Lacson sa pagsasabing “delicious” na mga detalye ay ilalahad sa mga pagdinig.
Binigyang-diin ni Lacson na kahit patuloy silang magsusumite sa Ombudsman ng iba pang mga ebidensyang maaari pa nilang makuha, hindi nito hinahadlangan ang anumang hakbang na maaaring gawin ng Blue Ribbon Committee.
- Latest

















