VP Sara nanawagan na magbitiw sa puwesto si Bongbong Marcos

MANILA, Philippines — Ang kabiguan umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kaya niyang pamunuan ang bansa ang dahilan kung bakit kailangan na niyang magbitiw.
Ito ang inihayag ni Vice President Sara Duterte sa kanyang pagdalo sa isang pagtitipon sa The Hague ng mga tagasuporta ni dating Pang. Rodrigo Duterte, ilang araw bago ang kanyang kaarawan sa Marso 28.
Sa naturang pagtitipon, isinisigaw ng mga tagasuporta ng mga Duterte ang kanilang panawagang magbitiw na sa puwesto ang pangulo.
“Kayo ang nagsabi niyan, hindi ako ah,” paglilinaw naman ni VP Sara, sa gitna ng hiyawan ng ‘Marcos resign’ ng kanilang supporters.
Gayunman, idinagdag niya na, “Bakit ba kailangan mag-resign? Dahil hindi mo pinapakita sa taumbayan na maayos kang mag isip at kaya mo ang mamuno.” “Ibalik ninyo lang siya sa Pilipinas. Ituloy ninyo lang ‘yung kaso walang problema. Ibalik ninyo lang siya,” aniya pa.
Si dating Pang. Duterte ay kasalukuyang nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands matapos na arestuhin sa Pilipinas noong Marso 11 dahil sa kinakaharap na crimes against humanities.
- Latest