4.3 magnitude lindol naitala sa Surigao del Norte
MANILA, Philippines — Nakapagtala ng 4.3 magnitude na lindol sa Surigao del Norte kahapon alas-10 ng umaga batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon.
Ayon sa Phivolcs, ang sentro ng lindol ay nasa 030 kilometro ng timog silangan ng General Luna Surigao del Norte.
Umaabot naman sa 018 kilometro ang lalim.ng lupa ng naturang lindol na tectonic ang pinagmulan.
Dulot nito naitala ang lakas ng lindol sa intenity 4 sa Cardianao, Basilica at San Jose Dinagat Islands at Intensity 3 sa Libjo, Loreto at Tubajon Dinagat islands.
Wala namang ulat na damage at aftershocks kaugnay ng naturang lindol.
- Latest

















