^

Bansa

Kredibilidad ng mga testigo ng depensa tatalupan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kredibilidad ng mga testigo ng depensa tatalupan
Vice President Sara Duterte
The Philippine STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Tinawag ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na mga “biased witnesses” ang ilan sa mga testigong iniharap ng kampo ni Vice President Sara Duterte, dahil umano sa kanilang matagal at malapit na relasyon sa pamilya Duterte.

Sinabi ni Adiong na ang personal at propes­yunal na ugnayan ng mga testigo sa Bise Presidente at sa kanyang pamilya ay dahilan upang masusing busisiin ang kanilang kredibilidad.

“Lahat po ay mga biased witnesses. That’s why their credibility was tested in court,” ani Alonto Adiong.

Kabilang sa mga tinukoy niya sina Davao City Assessor Jaime Adalin, GenCorp legal counsel Suzette Balucanag-Punay, Atty. Anel Martin Antero at Chadwin Parian.

Si Adalin ay nagpatotoo hinggil sa isang ari-ariang nakapangalan kay Atty. Manases Carpio na umano’y hindi naisama sa deklarasyon ng ari-arian. Samantala, si Punay naman ay nagpaliwanag tungkol sa mga negosyo ni Duterte at mga natatanggap umanong bayad mula sa GenCorp.

Nagbigay rin ng testimonya si Antero, na matagal nang kaibigan ni Duterte, kaugnay ng isang mamahaling hapunan sa Japan, habang si Parian naman ay nagpaliwanag ukol sa pagbili ng mamahaling Nike products sa Malaysia.

Ayon kay Alonto Adiong, malaking pagkakaiba ng mga testigo ng depensa at prosekusyon ang pinanggagalingan ng kanilang mga pahayag.

Aniya, ang mga testigo ng prosekusyon ay pawang mga opisyal at tagapangalaga ng mga rekord mula sa mga tanggapan ng gobyerno at institusyong pinansyal, kaya nakabatay ang kanilang testimonya sa mga opisyal na dokumento.

Dagdag pa niya, napansin umano nilang nahihirapang sumagot nang direkta ang ilang testigo ng depensa kapag inuusisa ng mga senador-hukom.

“Kapag mahirap na ang tanong, ang sagot ay ‘hindi ko alam,’ ‘hindi ko matandaan,’ o ‘hindi ko maalala,” ani Alonto Adiong.

Binigyang-diin ng kongresista na mahalagang matiyak ng impeachment court ang katotohanan sa pamamagitan ng mga testigong may malinaw, direkta at kapani-paniwalang testimonya.

Magpapatuloy ang pagdinig ng impeachment court sa Nobyembre 19 at 20.

ADIONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with