^

Bansa

DOH: El Niño magdudulot ng outbreak ng sakit sa pagkaing mabilis mapanis

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
DOH: El Niño magdudulot ng outbreak ng sakit sa pagkaing mabilis mapanis
Huwag hayaang nakabilad sa init o nakatiwangwang sa mesa ang mga lutong pagkain nang masyadong matagal, at ugaliing takpan o kaya ay ubusin agad ang mga ito upang makaiwas sa pagkalat ng mga nakasasamang organism, payo pa ng DOH.
STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng babala ang Department of Health sa publiko hinggil sa mataas na posibilidad ng mabilis na pagkasira ng mga pagkain at kontaminasyon ng tubig dahil sa matinding init na dala ng El Niño.

Nilinaw ng DOH na ang mataas na temperatura at mga posibleng pagkaantala sa suplay ng kuryente ay nagpapatindi sa pagdami ng mga bakterya, na nagiging dahilan upang mas madaling mapanis o masira ang mga lutong pagkain at mga hilaw na sangkap.

Payo ng kagawaran, tiyaking laging malinis ang tubig na gagamitin sa paghuhugas ng mga kamay, sariwang gulay, karne, at iba pang kaga­mitan sa kusina upang maiwasan ang mga sakit na nagmumula sa pagkain.

Para sa inuming tubig, inirekomenda ng ahensya na pakuluan ito nang mabuti kung nag-aalinlangan sa kalinisan o kaligtasan ng pinagmumulan nito upang matiyak na ligtas ito sa mga mikrobyo at dumi.

Huwag hayaang nakabilad sa init o nakatiwangwang sa mesa ang mga lutong pagkain nang masyadong matagal, at ugaliing takpan o kaya ay ubusin agad ang mga ito upang makaiwas sa pagkalat ng mga nakasasamang organism, payo pa ng DOH.

Hinimok ng DOH ang lahat na maging mapagmatyag at sundin ang mga wastong pamamaraan sa kalinisan at pag-iimbak ng pagkain upang maprotektahan ang kalusugan ng pamilya laban sa mga posibleng outbreak ng sakit ngayong panahon ng tag-init.

DOH

EL NINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with