Dollar account nina VP Sara at Mans Carpio, nais kalkalin ng prosekusyon

MANILA, Philippines — Nais ng prosecution panel na pabuksan ang dollar account ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng paglilitis dito sa “unexplained wealth” sa Senate impeachment court matapos na bawiin defense counsel Atty. Michael Wesley Poa sa impeachment court sa pagtayo sa witness stand ng 15 mga opisyal ng bangko.
Sinabi ni Poa na hindi na kailangan pa ang testimonya ni BPI Senior Vice President Atty. Paul Roderick Ysmael sa kanilang presentasyon ng testigo at ebidensya para mabawasan na umano ang mahabang paglilitis.
Ayon kay Poa, inaamin naman niya na lumiham siya kay Ysmael kaya hindi na kailangan pang patunayan ito ng nasabing bank official kaugnay ng perang deposito sa bangko ng mag-asawang sina VP Sara at Carpio.
Gayunman, sinabi ni private prosecutor James Bryan Ibrahim Alih na nais pa naman sana aniya na kuwestiyunin ng prosecution panel si Ysmael at iba pang mga opisyal sa bank records ni VP Duterte hinggil sa umano’y mga dollar accounts nito.
Inihayag naman ni Senate Presiding Officer Francis “Chiz “ Escudero na maari pa naman aniyang ilahad ng prosecution and kanilang argumento kapag natapos na ang presentasyon ng defense team ni VP Sara sa Senate impeachment court.
- Latest















