^

Probinsiya

Bagong silang na sanggol nilunod sa inidoro

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bagong silang na sanggol nilunod sa inidoro
Sa ulat ng Nagcarlan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), umaga nitong Miyerkules nang makarinig ang isang waitress ng mahinang pag-iyak ng sanggol sa loob ng kanilang comfort room.
Image by Christian Abella from Pixabay

MANILA, Philippines — Kalunos-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang bagong silang na sanggol matapos itong lunurin sa tangke ng inidoro sa loob ng isang comfort room ng isang restaurant sa Brgy. Poblacion, Nagcarlan, Laguna nitong Miyerkules.

Sa ulat ng Nagcarlan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), umaga nitong Miyerkules nang makarinig ang isang waitress ng mahinang pag-iyak ng sanggol sa loob ng kanilang comfort room.

Nang suriin ang comfort room ay wala naman siyang nakitang sanggol kaya tinawag ang kaniyang mga kasamahan na noong una ay tila nagduda pa sa sinabi nito na inakalang nananakot lang sa multo dahilan sa katatapos lamang ng UNDAS.

Samantalang nang suriin ang ceramic water tank sa likod ng inidoro ay rito na bumulaga sa mga staff ng restauran ang sanggol na nakalubog na sa tubig.

Ang sanggol ay hindi na gumagalaw at wala nang buhay ng makuha sa nasabing ceramic water tank.

Ipinarating naman ng may-ari ng restaurant ang insidente sa mga awtoridad na mabilis na nag­responde sa lugar.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad sa kasong ito upang matukoy kung sino ang responsable sa paglunod sa nasabing bagong silang na sanggol.

SANGGOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with