^

Metro

2 napatay na suspek sa Bacoor shootout, dating pulis

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 napatay na suspek sa Bacoor shootout, dating pulis
Ito naman ang kinumpirma ni PNP spokesperson PCol. Allen Rae Co, kung saan isa sa mga nasawi ay dating police staff sergeant na nag-AWOL (Absent Without Official Leave) noong Pebrero 2026, habang ang isa naman ay sinibak na sa serbisyo noong 2018.
STAR / File

MANILA, Philippines — Dalawa sa limang suspek na napatay sa shootout sa Bacoor City, Cavite ay mga dating pulis na sangkot sa robbery case sa Caloocan, ayon Philippine National Police (PNP).

Ito naman ang kinumpirma ni PNP spokesperson PCol. Allen Rae Co, kung saan isa sa mga nasawi ay dating police staff sergeant na nag-AWOL (Absent Without Official Leave) noong Pebrero 2026, habang ang isa naman ay sinibak na sa serbisyo noong 2018.

Bago nag-AWOL ang dating staff sergeant, naimbestigahan na umano ito kaugnay ng nasabing kaso. Inilabas na rin ang resolusyon para sa kanyang pagkakasibak, ngunit hinihintay pa ang pormal na dismissal order.

Plano umanong pasukin ng mga suspek ang isang subdivision sa pamamagitan ng pagpapanggap na mga security guard upang pagnakawan ang bahay ng isang negosyanteng pinaniniwalaang nagtatago roon ng mahahalagang gamit at malaking halaga ng pera.

Nadiskubre ang kanilang plano nang mapansin ng mga tunay na guwardiya ang isa sa mga suspek na nakasuot ng puting uniporme, gayong asul ang ginagamit na uniporme ng mga security guard sa subdivision.

Nang tangkain silang sitahin ng mga pulis, tumakas ang grupo sakay ng kotse at motorsiklo, na nauwi sa habulan at palitan ng putok. Tumaob din ang sedan na sinasakyan ng ilan sa mga suspek. Walang pulis na nasugatan sa insidente. Narekober sa lugar ang tatlong kalibre .45 na baril at dalawang kalibre .38 na revolver. Patuloy namang tinutugis ng mga awtoridad ang dalawa pang suspek na nakatakas.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with