Kylie, nag-Japan na naman!

Naglaan ng oras si Kylie Padilla para magbakasyon sa Japan kasama ang mga anak na sina Alas at Axl.
Sa Tokyo, nakasama rin nila ang ina ni Kylie na si Liezl.
“~ core memory,” caption ni Kylie sa kanyang Instagram kasama ang ilang larawan mula sa kanilang biyahe.
Tila isa ang Japan sa mga paboritong destinasyon ni Kylie. Nitong unang bahagi ng taon, bumiyahe rin siya roon para makasama ang mga kapatid na sina Queenie at Zhen.
Maureen, may punchline na sa pagpapabawas ng bobsie
Inamin ni Maureen Larrazabal na nagpa-breast reduction siya.
Ayon sa aktres, wala man siyang pinagsisisihan sa dati niyang desisyon, nagpasya siyang magpabawas dahil sa bigat nito at sa kanyang edad.
“Nagpabawas na ako. Siguro mga four years ago. Sa sobrang bigat saka nagkakaedad ka na, parang hindi ko naman na masyado kailangan, kaya nagpabawas na ako talaga,” ani Maureen.
Hindi nawala ang kanyang humor nang magbiro siya tungkol dito: “Dati siyang anim, dalawa na lang ngayon.”
Dagdag pa niya, “Nag-reduction din ako tapos eventually, ire-reduce natin hanggang sa isang piraso na lang.”
Kilala si Maureen bilang isa sa mga komedyante sa bansa dahil sa matagal niyang pagganap sa hit Kapuso shows na Bubble Gang at Pepito Manaloto.
- Latest
























