Bato, walang pahiwatig nang pagsuko - PNP

MANILA, Philippines — Kahit na binigyan ng 1 linggong palugit si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na sumuko ay wala itong pahiwatig na boluntaryong susuko, ayon kay Philippine National Police (PNP)spokesperson PCol. Allen Rae Co.
Tatlong araw na lamang bago ang itinakdang deadline ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagsuko ni Dela Rosa ay nagdeploy ang PNP ng karagdagang mga tracker team upang matukoy ang kinaroroonan ng senador.
Gayunman, iginiit ng PNP na mas nais nila na boluntaryong sumuko si Dela Rosa upang maiwasan ang anumang hindi kanais-nais na pangyayari sa oras na siya ay matagpuan.
Wanted si Dela Rosa ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kasong crimes against humanity na may kinalaman sa kampanya kontra droga ng dating pangulong Rodrigo Duterte.
Inakusahan ang senador bilang kasabwat sa mga umano’y krimeng iniimbestigahan ng korte.
Nauna nang sinabi ng DILG na nagtatago umano si Dela Rosa sa Mindanao at pinoprotektahan ng isang armado at makapangyarihang grupo.
Nag-alok din sila ng P50 milyong pabuya para sa impormasyong upang maaresto ang senador.
- Latest


















