^

PSN Showbiz

Darryl Yap, gustong putulin ang chain sa mga ginawang pelikula!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Darryl Yap, gustong putulin ang chain sa mga ginawang pelikula!
Darryl Yap.
STAR/ File

Sumabak sa horror film si Direk Darryl Yap via VHS.

Nakabuo na siya ng reputasyon sa paggawa ng mga pelikulang matapang at kontrobersyal.

Kaya may mga nagtaka kung bakit siya sumabak sa ganu’ng genre.

Kaya tinanong siya kung anyare?

Aniya, parang gusto niyang basagin ang ‘chain.’

At aniya sino ang makapagsasabi kung ito nga ba ay magiging “uncontroversial”? Isang napapanahon at personal na pelikula  ito.

“When Viva asked if I had a story for Halloween, my first instinct was to dig through my old one-act plays from years ago. I guess the decision to cross over into horror came partly from Viva asking at just the right time, and partly from a creative itch to try something different,” sabi ni Direk Darryl.

Actually, hindi masasabing uncontroversial ito dahil nga sa naging intriga sa tanong niya sa bida ng pelikula na si Sarah Lahbati na “Annabelle o Barbie?”

Na siyempre ay kinokonek kina Annabelle Rama at Barbie Imperial.

Pero mabilis namang kumalma ang kontrobersiya.

At sa palagay raw niya, ang desisyong sumubok sa genre ng horror ay dahil tamang pagkakataon, at ang kagustuhan niyang subukan ang isang bagay na naiiba.

At nang tanungin kung mas mahirap ba ang tunay na pananakot sa mga tao kaysa sa kontrobersya?

Aminado naman si Direk Darryl na mahilig siyang mang-udyok, sa mga kontrobersya “at tila naging natural na ‘yun akin.

“Ang aking mga ginawang katatakutan ay hindi lang para takutin ang mga tao. Ang layunin nito ay pag-isipin sila, na para sa akin, ay isang mas mahirap na gawin,” aniya sa isang interview.

But anyway, ang VHS ay isang analog device na nagpe-play ng video at audio mula sa magnetic tape cassette.

Pero ang ibig sabihin daw ng VHS movie niya ay Viva Horror Stories.

Nilaro lang daw niya ito.

Ang impression kasi ng marami VHS player nga ito.

Aniya, mayroong supernatural element at ito ay isang thriller lang. At may mga bagay rin daw sa pelikula na likas na horror, ngunit hindi talaga iyon ang pinagtutuunan ng pansin. Mas interesado raw siya sa mga tao, sa pag-uugali ng tao, sa kung ano ang kaya nating gawin sa isa’t isa.

At iyon daw ang tungkol sa pelikulang ito na andun ang supernatural, ngunit ang tunay na katakutan ay tao.

Ano ang nakakatakot kay Darryl Yap sa totoong buhay? At ano ang kinatatakutan niya.

“Sa tingin ko ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng labis na lakas ng loob ay dahil mayroon din akong napakaraming takot. Hindi ko talaga masabi kung ano sila o kung saan sila manggagaling. Ang takot ay hindi isang bagay na maaari mong i-order mula sa isang menu. Ito ay palaging dumating bilang isang sorpresa. Kailangan mo lang itong harapin.

“At sa tingin ko iyon ang makikita ng mga tao sa pelikulang ito. Ito ay hindi lamang tungkol sa aking mga personal na karanasan. Naniniwala ako na makakahanap ang mga tao ng isang bagay na maiuugnay nila sa mga karakter, kapwa tao at hindi makatao.”

Samantala, ang VHS (Viva Horror Stories) ay parte ng 45th anniversary ng production outfit ni Boss Vic del Rosario sabay Halloween offering na rin.

Ito ang nag-iisang Pinoy horror movie sa line-up ng Sine Sindak 7th Cycle na nakatakdang magbukas exclusively sa lahat ng SM Cinemas mula Oct. 28 hanggang Nov. 3.

Ang anim pang iba ay ang App The Horror, Crawlers, Never After Dark The Influencer Project, Cerita Lila at Phi Phong.

Bida rito sina McCoy de Leon, Sarah Lahbati, Kit Thompson, Ella Cruz, Sachzna Laparan, atbp.

Maaalalang nakilala si Direk Darryl Yap sa mga nakaraan niyang blockbuster hits tulad ng Maid in Malacañang (2022), Martyr or Murderer (2023) at ang kontrobersyal at unreleased na The Rapists of Pepsi Paloma (2025).

Ang VHS ay rated R-13 ng Movie and Television Review and Classification Board.

DARYL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with