^

Bansa

VP Sara, hindi interesado kay Matibag: ‘He’s a nobody’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
VP Sara, hindi interesado kay Matibag: ‘He’s a nobody’
NBI director Melvin Matibag
Edd Gumban / The Philippine STAR

MANILA, Philippines —Tinawag ni Vice President Sara Duterte si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na isang ‘nobody’.

Ito’y kasunod na rin nang isinasagawang imbestigasyon ng ahensiya sa mga ari-ariang iniuugnay sa kanya at sa kanyang pamilya.

Sa isang ambush interview sa Zamboanga City, sinabi pa ni VP Sara na hindi siya interesado kay Matibag, matapos na mahingian ng reaksiyon kaugnay sa hamon ng NBI chief na magsampa ng kaso kung sa tingin nito ay bias siya o may ginagawang hindi tama.

“Hindi ako interesado sa kanya. Walang interested kay Atty. Matibag. He’s a nobody,” diretsahan pang tugon ni VP Sara.

Kaugnay naman sa fact-finding investigation report ng NBI hinggil sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni VP Sara na isinumite nito sa Office of the Ombudsman para sa ebalwasyon at kaukulang aksiyon, tiniyak ng bise presidente na magbibigay siya ng paliwanag hinggil dito sa tanggapan ng Ombudsman, sa halip na makipagsagutan kay Matibag.

“‘Yung regarding sa Statement of Assets and Liabilities ko, it is already a subject in the impeachment. At sinubmit na rin ‘yun sa Ombudsman. So ito ‘yung mga proper forum kung saan mas makakabuti doon kami magbigay ng aming sagot at ­explenasyon. Kaysa sa makipagsagutan tayo kay Atty. Matibag na nakita naman natin na mali-mali ‘yung mga sinasabi,” aniya pa.

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with