^

Bansa

Cale88 na konektado kay Mans nagsara ng 2 bank account

Malou Escudero, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Cale88 na konektado kay Mans nagsara ng 2 bank account
Nanumpa ang apat na prosecution witnesses bago sumalang sa ika-35 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Sila’y sina Philippine Savings Bank Branch Operations Department Head Irene Ishida; Arcy James Gonzales, branch manager ng Asia United Bank’s Davao Toril Branch; Security Bank Branch Banking Group Head Leslie Cham at Metropolitan Bank and Trust Co. Anti-Money Laundering Division Head Atty. Niña Feren Aguilar.
SPPA POOL/Rolly Salvador

Habang nililitis si VP Sara

MANILA, Philippines — Sa kasagsagan nang mainit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, dalawang bank account ng Cale88 Foods Corp., kumpanyang pag-aari ng kanyang asawang si Atty. Manases “Mans” Carpio, ang isinara noong Hulyo 2026.

Kinumpirma ni Security Bank Branch Ban­king Group Head Leslie Cham sa pagtatanong ni Senator-Judge Kiko Pa­ngilinan na may dalawang peso checking account ang Cale88 na binuksan noong Agosto 2024 at Oktubre 2025, ngunit ­kapwa isinara noong Hulyo 2026. Nasa P332,530.95 at P21,164.27 na lamang ang natitirang balanse ng mga account nang isara ang mga ito.

Binigyang-diin ni Pa­ngilinan na binuksan ang mga account habang nakaupo na bilang Bise Presidente si Duterte at isinara habang dinidinig ang impeachment case laban sa kanya.

Lumutang din sa pagdinig ang ulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) hinggil sa tinatayang P319 mil­yong transaksyon mula sa China na may kaugnayan umano sa Cale88.

Ayon kay Cham, P332,530.95 na lamang ang closing balance ng unang account habang P21,164.27 naman ang natira sa ikalawang account.

Kinuwestiyon naman ni Senate President Win Gatchalian ang 12 cash deposit na iniulat ng Security Bank bilang kahina-hinalang transaksyon. Ayon sa bangko, hindi umano nakapagsumite ang kumpanya nang sapat na dokumento upang maipaliwanag ang pinagmulan at layunin ng mga transaksyon at hindi rin ito tumugon sa mga request para sa paglilinaw.

Samantala, ibinun­yag ni Senator-Judge Raffy Tulfo na umabot sa P40.14 milyon ang kabuuang pumasok sa account ng Cale88 noong 2024 habang P40 milyon naman ang lumabas, indikasyong halos lahat ng pondo ay nailabas din sa loob ng parehong taon. Mayroon ding mahigit P6.26 milyong pumasok sa account noong 2025.

Tinanong niya si Cham kung maaaring balewalain ng mga bank manager ang Know-Your-Customer (KYC) requirements kapag may mataas na opisyal ng bangko na nag-utos na tanggapin ang deposito ng isang kliyente.

Iginiit naman ni Cham na mahigpit na ipinatutupad ng Security Bank ang KYC at compliance rules at walang kliyenteng pinapayagang makalusot sa itinakdang proseso ng pagsusuri.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with