Anak nina Paco at Geneva, maayos na ang buhay!

Nag-open up si Paco Arespacochaga tungkol sa pagiging ama matapos makausap ang anak na si Heaven na nasa France para sa isang kasal.
Masaya ang 55-anyos na miyembro ng Introvoys na nasa maayos na kalagayan ang anak nila ni Geneva Cruz.
Ayon kay Paco, ang pagiging magulang ay puno ng tahimik na sakripisyo — oras, pera, tulog, at pag-aalala — at pustahan kung magiging maayos ang mga anak. “Less than ten years ago, my son was not in that place. He was lost. He was depressed,” kwento niya.
Noon, ang magagawa lang daw niya ay gabayan ito. Ngayon, nakita niya si Heaven na masaya sa ibang bansa kasama ang mahal nito sa buhay, na hindi na nangangailangan ng kahit ano mula sa kanya. “For me, it was seeing my son... needing absolutely nothing from me... He just said, ‘I love you, Pops.’... he is going to be okay. And for a parent, maybe there is no greater reward than that,” saad ni Paco, at sinabing nandiyan lang siya kapag kailanganin siya ulit ng anak.
Mikee, nanghinayang sa milyones na tuition kaya naka-graduate
Nagbunga ang pagpupursige ni Mikee Quintos matapos makuha ang kanyang college diploma noong 2025.
Umabot man ng 10 taon, proud graduate na ang Kapuso star ng kursong Architecture sa UST.
Ibinahagi niya kina Chariz Solomon at Buboy Villar sa Your Honor ang hirap ng pagsabayin ang showbiz at pag-aaral, kabilang ang isyung pabigat umano siya sa groupmates.
“Unang show ko pa lang yun... Hindi ko alam kung magkakaroon ako ng career after, so it doesn’t make sense na mag-shift ako or mag-quit.
“Kasi, akala ko parang nung time na yun, kumikita na ako. ‘Tapos, sa school hindi ka naman kumikita dun. Ikaw pa gumagasto dun, di ba? So sa utak ko, ‘Bakit ko pa ‘to ginagawa?’” sey niya.
Umabot pa raw sa punto na naisipan niyang tumigil at nakaaway pa niya ang magulang. Nagbago lang ang pananaw niya matapos matauhan siya sa milyong halaga ng tuition na binayaran ng magulang niya.
“Nahiya ako sa magulang ko na parang dahil nga nagta-trabaho na ako, alam ko na ‘yung hirap ng pagkita ng pera. Pagkatapos nilang bayaran ‘yung ilang taon ng tuition, wala akong degree na maibabalik.
“Dun ko na-realize na gusto ko rin tapusin for myself, not just for my parents,” diin niya.
H.E.R., nahihilig sa karaoke
Kahit sa Amerika na lumaki ang Oscar at Grammy winner na si H.E.R., nahilig din siya sa paboritong libangan ng mga Pinoy — ang karaoke.
Ayon sa 29-year old Fil-Am star ng Forgotten Island, nagsimula siyang kumanta at the age of 3 at pagsapit ng 6 years old ay sumasama na siya sa kanyang ama at sa cover band nito sa San Francisco Bay Area.
Isa sa paborito niyang kantahin ay ang Maging Sino Ka Man ni Rey Valera.
“I would sing ‘Maging Sino Ka Man.’ I was actually at a restaurant and it just so happened to be karaoke Sundays and I was like, ‘I’m singing today. I’m definitely going to join in the festivities. I’m Filipino, I have to.’ So I ended up singing ‘Maging Sino Ka Man’ and I was like on TV or something.
“My cousins in the Philippines were like, ‘We saw you. There’s a video of you singing ‘Maging Sino Ka Man.’ We’re so happy and proud!’ Yeah that’s one of my favorite karaoke songs to sing for sure,” kwento niya.
Ibinahagi rin ni H.E.R. kung bakit H.E.R. o Having Everything Revealed ang ginamit niyang pangalan imbes na ang tunay niyang pangalang Gabriella Sarmiento Wilson.
“I was 18… 19 years old, not that long ago and honestly was just discovering the type of artist that I wanted to be. Because it’s one thing to be able to sing and to be able to perform, but it’s another thing to be an artist with a real perspective, you know?
“And I always thought that being like a goody two shoes girl, I was like, I’m not going to be the girl that falls for the wrong guy or goes through things that are inevitable for us to go through as women and when I did, I was like, ‘Oh my gosh, I became H.E.R.’
“I became that girl who is all of us, you know? We all go through these things as women and that was my story and I was writing all of these vulnerable things and I was like, ‘Why don’t I just be H.E.R?’” paliwanag niya.
- Latest






















