Young actor, lihim na lihim ang masamang ugali!
Unti-Unti na raw lumalabas ang sungay ng isang young actor na magaling namang umarte at guwapo kaya hinog na para isalang maging lead ng isang project.
Eh ‘yung nakaraang projects kasi ng young actor, marami silang bida kaya hindi niya puwedeng angkinin ang credits.
Kamakailan eh pinagkatiwalaan na si young actor maging bida. Habang ginagawa ang project, lumabas na ang tagong ugali ng young actor!
Nariyang dumarating sa set ng late, may demands sa writers kaugnay ng eksenang gagawin sa araw ng trabaho!
Saka nandun ang feeling ng young actor na siya ang bida kaya makisama kayo sa kanya dahil kung wala siya sa project, walang trabaho ang staff!
Kumbaga, relevant siya sa project kaya sumunod kayo sa gusto niya!
Tagung-tago pala ang pangit na ugali ng young actor na ito, huh!
Patrick, ‘di nakakuha ng simpatiya!
Short-lived lang ang muling sikat ni Patrick Garcia na talaga namang kinuyog ng galit na netizens sa pahayag niya sa nakaraan nila ng ina ng kanyang anak na si Jennylyn Mercado.
Kay Jen napunta ang simpatiya kahit pa-victim ang drama ni Patrick sa interview niya.
Kasi naman, wala si Patrick sa tabi ni Jen nung panahong ipinagbubuntis ng ex ang anak nilang si Jazz.
Maraming saksi kung gaano kalaki ang hirap nung nagbubuntis si Jen na kahit buntis, lahat nang trabaho eh tinatanggap para buhayin ang anak!
Hindi man perfect ang asawa ni Jen na si Dennis Trillo, pinanindigan niya ang second chance with Jen at maligaya sila bilang mag-asawa hanggang umeksena bigla si Patrick!
Tama na ‘yan at nabigyan na kayo ng espasyo! Patrick got only what he deserve ngayong umeksena siyang muli!
- Latest























