Cal. 45 na baril, naipasok ng Grade 10 sa iskul
MANILA, Philippines — Nahulihan ang isang Grade 10 ng isang caliber 45 pistol sa loob ng paaralan sa Bgy. Dalakit, Catarman, Northern Samar, nitong Huwebes.
Ayon kay Police Regional Office 8, isang kaklase nito ang nakakita na may bitbit na baril ang estudyante at agad niya itong ipinagbigay alam sa kanyang guro.
Nakuha sa 15-anyos na estudyante ang 4 na magazine at 10 bala kung saan walang serial number ang naturang baril.
Ayon kay PRO-8 Regional Public Information Office, Lt. Col. Anna Armeza na ang baril ay pagmamay-ari ng kanyang tatay at wala umano itong target na kahit sino sa paaralan.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente, habang nasa kustodiya na ng Municipal Social Welfare and Development Office for assessment and appropriate intervention in accordance with applicable laws and procedures ang bata.
- Latest




















