^

Probinsiya

Architecture graduate durog sa truck na nawalan ng preno

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Architecture graduate durog sa truck na nawalan ng preno
Kinilala ang biktima na si Helvic Joy Dalanon, 24 taong gulang, dead-on-the spot sa insidente matapos magtamo ng pagkadurog at matinding sugat sa katawan.
STAR / File

MANILA, Philippines — Patay ang isang bagong graduate sa kursong architecture makaraang suwagin ng isang humahabigis na truck ang ilang behikulo sa South Road Properties (SRP), Cebu City, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Helvic Joy Dalanon, 24 taong gulang, dead-on-the spot sa insidente matapos magtamo ng pagkadurog at matinding sugat sa katawan.

Ang biktima ay tubong Masbate City at nasa on-the-job-training sa lungsod ng Cebu.

Sa report ng Cebu City Police, nagmamaneho ng motorsiklo ang biktima nang pansamantalang huminto sa SRP viaduct sanhi ng matinding trapiko nang biglang suwagin ng rumaragasang truck ang ilang behikulo at nadamay na ang nasabing bagong gradweyt nitong Linggo.

Sa pahayag ng driver ng truck na si Romel Genodiala, 46, ng Ta­lisay City nawalan umano ng preno ang behikulo bunsod upang suwagin nito ang motorsiklo ng biktima.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima na sa kamalasan ay nagulungan pa ng truck habang ilang behikulo rin ang nagtamo ng pinsala sa insidente.

Nasa kustodya na ng pulisya ang driver ng truck na si Romel Genodiala, 45-anyos.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with