^

Probinsiya

Lalaki nanutok ng ‘pellet gun’ sa party, arestado

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
Lalaki nanutok ng ‘pellet gun’ sa party, arestado
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

DASMARIÑAS CITY, Philippines — Kalaboso ang isang lalaki matapos ares­tuhin nang manutok ng baril, na kalauna’y natuklasang isa palang pellet gun sa gitna ng isang birthday celebration sa Greenbreeze Village 1, Barangay Langkaan 2 Dasmariñas City Cavite.

Batay sa ulat ng Dasmariñas Component City Police Station (CCPS), naganap ang insidente nitong nakaraang Huwebes ng gabi, Setyembre 24, 2026, bandang alas-11:00 ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagkakasiyahan ang pamilya ng biktima sa isang pribadong resort sa naturang subdivision sa pagdiriwang ng kaarawan ng isang kamag-anak. 

Napadaan ang suspek na kinilala sa alyas “Jhon” , residente ng lugar sa labas ng resort at diumano’y nakiusap sa isang tao sa nasabing resort na makiinom.

Matapos uminom, papaalis na sana ang suspek nang magka­tinginan sila ng biktima na si alyas “Karl”. Minasama umano ng suspek ang pagtingin ni Karl dahilan upang bumalik siya at bumunot ng maiksing baril saka ikinasa pa umano ito at itinutok sa biktima. Nagbanta umano ang suspek na agad ring umalis sa lugar.

Dito na nagsumbong ang biktima sa Homeowners’ Association (HOA) ng subdivision, na mabilis ding umaksyon. Nang mahanap ang suspek ay dinala siya ng HOA sa kanilang tanggapan para sa beripikasyon na itinawag din agad sa barangay. Habang tinatanong ang suspek ay bigla diumanong nagtatakbo at tumakas. 

Dito, nagkaroon ng ilang minutong habulan hanggang sa makorner ang suspek at nang kapkapan, narekober ang ginamit na armas na nakumpirmang isang pellet gun. 

Kakasuhan ng grave threat ang suspek na nasa kustodya na ng pulisya.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with