^

PSN Palaro

Gold medal collection ni Carlos kumpleto na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para kay Carlos Edriel Yulo, kumpleto na ang mga medalya na kanyang dating pinapangarap nang nagsisimula pa lamang mag-aral ng gymnastics sa murang edad na 7-anyos.

Inangkin ng 26-anyos na Pinoy gymnast ang kauna-unahang gold medal ng Team Philippines sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan matapos pagharian ang men’s floor exercise ng men’s artistic gymnastics event kahapon sa Nippon Gaishi Hall Rainbow Hall.

“About sa collection po natin, buo na po. Buong-buo na,” sabi ni Yulo na wagi ng dalawang gold medals sa 2024 Paris Olympic Games, dalawa ring gold sa FIG World Championships (2019 at 2021), tatlong golds sa Asian Cham­pionships (2022, 2023 at 2025) at siyam na golds sa Southeast Asian Games bukod sa Palarong Pambansa at National Games.

Sa finals ng men’s floor exercise sa Aichi-Nagoya Asiad ay nagtala si Yulo ng 14.666 points para sapawan sina silver medalist Karim Milad (14.600) ng Kazakhstan at bronze medal winner Tsukiyama Shoma (14.566) ng host Japan.

Ibinigay ni Yulo ang kauna-unahang gymnastics gold ng bansa sa ilang taong paglahok sa Asiad.

CARLOS EDRIEL YULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with