SoCot school shooting suspect; Cebu online groomer, timbog sa NBI

MANILA, Philippines — Naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang indibidwal na umano ay may kaugnayan school shooting incident sa South Cotabato at isang suspected online groomer sa Cebu.
Iniulat ni NBI Director Melvin Matibag ang kanilang tagumpay sa tulong ng National Prosecution Service at Department of Justice sa Senate budget nitong Huwebes.
“Yesterday we were able to get hold of one of the individuals na somehow related to what happened in South Cotabato and we made an apprehension of one of the suspected groomers from Cebu,” pahayag ni Matibag.
Hindi na idinetalye pa ni Matibag ang naging partisipasyon ng naarestong indibidwal sa insidente, ngunit sinabi niyang nakikipag-ugnayan ang ahensya sa paaralan, pinoproseso ang mga pag-aresto, at nagsisikap na mailigtas ang mga apektadong indibidwal.
Sa susunod na mga araw ay inaasahan din ni Matibag na may 10 indibidwal na maililigtas sila sa mga operasyon.
Binigyang-diin ni Matibag na makatutulong ang karagdagang budget para palakasin ng ahensya ang pagbabantay sa mga banta online at mas mabilis na makatugon sa mga posibleng pag-atake.
Nais ng NBI na mabigyan ng P1 bilyong confidential funds para sa pagbili ng mga kagamitan para labanan ang mga krimen lalo na ang cybercrime.
- Latest















