^

PM Sports

Soft tennis team umukit ng kasaysayan sa Asiad

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Gumawa ng kasaysa­yan ang Philippine wo­men’s national soft tennis team matapos makatiyak ng bronze medal kahapon sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

Humataw ang tropa nina Bien Zoleta, Christy Sañosa, Princess Catindig, Shyryn Salazar at Hilary Paas ng 2-1 record sa group eliminations papasok sa semifinals bukas.

 “Maraming salamat sa lahat ng nagdasal. Andito na tayo sa semis. Isang medalya na para sa Pilipinas,” sabi ni Zoleta sa kanyang social media post.

Ito pa lamang ang unang soft tennis medal ng bansa sa Asian Games matapos ang 32 taong paghihintay.

May tsansa pa silang makamit ang unang gold medal ng Team Philippines sa Aichi-Nagoya Asian Games kung mananalo sa world champion at reigning Asiad titlist Japan.

Unang tinalo ng mga Pinay netters ang Mongolia bago isinunod ang Thailand. 

Ngunit natalo sila sa Chinese-Taipei.

Subalit sapat na ang kanilang kartada para makasampa sa semifinals. 

Samantala, minalas namang makapasok sa semis para sa isa pa sanang bronze medal ang men’s team.

ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with